tennis copy

MELBOURNE, Australia — Tuloy ang silatan sa Australian Open.

Alsa-balutan na rin si Wimbledon champion Garbine Muguruza nang mabigo kay Hsieh Su-wei ng Taiwan, 7-6 (1), 6-4 sa second round ng unang major tennis tournament ngayong taon.

Sinundan ng No. 3-ranked na si Muguruza sa maagang bakasyon sina American star Venus Williams at U.S. Open champion Sloane Stephens, dahilan para maiwan na lamang sa tatlo ang bilang ng dating major winners sa women’s draw.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Nagtamo si Muguruza ng limang double-faults, kabilang ang isa na nagbigay sa No. 88-ranked Hsieh ng match point, at 43 unforced errors. Dahil sa labis na init ng panahon, kinailangan niya na huminge ng medical time out sa unang set at ilang ulit na aksidenteng tinamaan ang kinalalagyan ng line judge.

“She’s definitely a very tricky opponent — today she played well,” pahayag ni Muguruza. “I could have done things better, but at the end, she deserves to win.”

Ang 32-anyos na si Hsieh ay dating top-ranked doubles player at nakapagtala pa lamang ng isang panalo sa top 10 player sa kanyang career sa singles.

Itinuturing paborito sa korona matapos ang pagatras ni Serena Williams, namproblema si Muguruza sa kanyang diskarte at sa labis na init nang panahon, apektado ang kanyang preparasyon. Nagretro siya sa second round sa Brisbane International at nagtamo ng injury sa hita sa quarterfinal ng Sydney tilt.

Umabot sa 39 Celsius (102 Fahrenheit), ang temperature sa Melbourne.

Ngunit, hindi ito alintana ni Maria Sharapova.

Nanganilangan lamang ng 23 minuto ang five-time major champion para gapiin si No.14 seed Anastassija Sevastova, 6-1, 7-6 (4) sa Rod Laver Arena.

“It’s a warm day. I did my job in two sets against someone that’s been troubling in the past for me,” pahayag ni Sharapova, hindi nakalok dito sa nakalipas na season bunsod ng 15-buwan na banned na ipinataw sa kanyan dulot ng isyu sa doping.

“I think I deserve to smile out there after that victory.”

Talsik din ang ninth-seeded na si Johanna Konta, 2016 Australian Open semifinalist, kontra U.S. lucky loser Bernarda Pera 6-4, 7-5.

Ito ang unang sabak sa Grand Slam event ng No. 123-ranked na si Pera. Nabigo siya sa huling round ng qualifying, ngunit, nakasama sa main draw matapos umatras ang kanyang conqueror na si Margarita Gasparyan bunsod ng injury.

“It feels amazing. I was ready to leave on Monday and then they told me I’m in, so I was obviously excited,” pahayag ni Pera.

“I was checking the tickets to fly back. I’m happy I didn’t buy one.”

Sunod na makakaharap ni Pera si No. 20 Barbora Strycova, nagwagi kay Lara Arruabarrena 6-3, 6-4.

Umusad din sina No. 8 Caroline Garcia at No. 26 Agnieszka Radwanska, sunod na makakaharap ni Hsieh.

Ginapi naman ni Lauren Davis si Andrea Petkovic 4-6, 6-0, 6-0 at poibleng makaharap sa third-round si top-ranked Simon Halep, sumasabak kay Eugenie Bouchard nitong Huwebes.

Umusad naman ang dating No. 1-ranked na si Karolina Pliskova sa third-round at makakaharap si No. 29 Lucie Safarova.

Talsik din sa laban si Sam Querrey sa men’s draw nang magapi ni 80th ranked Marton Fucsovics, 6-4, 7-6 (6), 4-6, 6-2.

Sibak din sina No. 8 Jack Sock at No. 16 John Isner.