Ni Marivic Awitan

ISANG pasabog ang naging simula ni Paul Lee para sa taong 2018 nang pamunuan ang Magnolia sa dalawang dikit na panalo sa ginaganap na PBA Philippine Cup.

bachero copy

Dahil dito , si Lee ang napiling PBA Press Corps Player of the Week matapos magposte ng average na 17 puntos, 4.0 assists, 2.0 rebounds at 1.5 blocks sa kanilang panalo kontra KIA Picanto, 124-77 at NLEX (105-94), ayon sa pagkakasunod.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sinimulan ng Hotshots ang KIA Picanto noong Miyerkules kung saan sumiklab si Lee sa third canto para pamunuan ang kanilang ratsada.

Nagtala ang 6-foot guard na si Lee ng 13 puntos sa nasabing third quarter surge ng Magnolia upang agawin ang kontrol ng laro tungo sa panalo laban sa Picanto.

Apat na araw kasunod nito, umiskor ang 28-anyos na tinaguriang “Angas ng Tondo” ng 21 puntos na tinampukan ng apat na triples upang giyahan ang Hotshots’ sa panalo kontra Road Warriors.

Naitala ni Lee ang pinakamahahalagang baskets sa second half para tulungan ang Magnolia na umangat sa markang 3-1.

Tinalo ng Magnolia guard sina Alaska forwards Calvin Abueva at Vic Manuel at guard Chris Banchero; GlobalPort guard Stanley Pringle, Blackwater big man JP Erram at forward Mac Belo, San Miguel slotman June Mar Fajardo at wingman Arwind Santos para sa weekly citation.