Tangan ng No. 13-seeded na si Stephens ang service para sa match point sa ika-10 laro ng second set laban kay Zhang Shuai ng China, ngunit nabigo siyang tapusin ang karibal na matikas na bumira sa tiebreaker tungo sa third ser para maagaw ang 2-6, 7-6 (2), 6-2 panalo.
Sa tuwina, natatapat sa matikas na karibal si Stephens sa opening round dahilan para sa maagang kabiguan sa tour-level match mula nang maging kampeon sa US Open sa nakalipas na season.
Hindi naglaro si Stephens sa nakalipas na Australian Open bunsod ng injury sa kaliwang paa na umabot hanggang sa Wimbledon. Mula nang gapiin si Madison Keys sa US Open final, kaiguan ang nakaharap ni Stephens sa nakalipas na walong laro.
“Sloane she plays so well, won the US Open — everyone knows — she’s a great player,” pahayag ni Zhang. “I know how hard I’m working ... coming to Australia I’m ready for every match, every player. That’s why I won today.”
Matikas naman sinimulan ni French Open champion Jelena Ostapenko ang kampanya sa dominanteng 6-1, 6-4 panalo kontra sa beteranong si Francesca Schiavone.
Sa iba pang first-round results, ginapi ng 12th-seeded Julia Goerges si Sofia Kenin, 6-4, 6-4, habang namayani si Alize Cornet kontra Chinese wild-card entry Wang Xinyu, 6-4, 6-21, at tinalo ng No. 19 Magdalena Rybarikova si Taylor Townsend, 6-0, 7-5.