Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(University of

San Agustin gym Iloilo City)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

5:00 n.h. -- San Miguel vs TNT

6:45 pm NLEX vs. San Miguel Beer

MAPANATILI ang pangingibabaw ang tatangkain ng defending champion San Miguel Beer sa pakikipagtuos TNT sa Katropa sa unang out-of-time game sa Visayas ng 2018 PBA Philippine Cup.

Magtutuos ang Beermen at Katropa sa University of San Agustin gym sa Iloilo City sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2018 PBA Philippine Cup.

Ang nasabing laban ng Beermen at Katropa ang unang out -of-town game sa kalendaryo ng PBA 43rd Season ay isa sa tampok na bahagi ng pagdiriwang ng tanyag na Dinagyang Festival.

Tatangkain ng tropa ni coach Leo Austria na maiposte ang ikatlong sunod na panalo matapos magwagi sa unang dalawa nilang laro kontra Phoenix at Meralco sa pagtutuos nila ng TNT ngayong 5:00 ng hapon.

Sa kabilang dako, magtatangka naman ang Katropa ni coach Nash Racela na masundan ang naitalang unang panalo laban sa Alaska kasunod ng natamong pagkabigo sa una nilang laro kontra Rain or Shine.

Para kay Racela, magandang momentum ang nasabing panalo kontra Elasto Painters sa pagsabak nila kontra San Miguel.

“It’s always hard to get that first win especially with our next game being against San Miguel. But at least we got some sort of momentum before we face the best team in the league, “ ani Racela na inaasahang sasandig kina Jason Castro, Mo Tautuaa, Troy Rosario ,RR Garcia at Roger Pogoy upang pamunuan ang koponan nila.

Bagama’t napahinga ng mahigit dalawang linggo matapos ang ikalawang laro nila kontra Meralco, umaasa si Austria na nananatiling motivated ang Beermen sa panalo.

Gaya ng dati, inaasahang mangunguna sa SMB sina reigning 4-time MVP Junemar Fajardo, Alex Cabagnot, Arwind Santos, Chris Ross at Marcio Lassiter.