Toronto Raptors guard DeMar DeRozan (10) fouls Cleveland Cavaliers forward LeBron James (23) as he goes to the net during the second half of an NBA basketball game Thursday, Jan. 11, 2018, in Toronto. (Frank Gunn/The Canadian Press via AP)

Cavs, inilublob ng Raptors; Clippers at Lakers, kumasa

TORONTO (AP) — Masamang pangitain sa Cleveland Cavaliers.

Habang umiinit ang isyu sa posibilidad na paglilipat Lakers ni LeBron James, natikman ng Cleveland Cavaliers ang ikalawang sunod na masaklap na kabiguan sa dominanteng 133-99 kahihiyan sa kamay ng Toronto Raptors nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ito ang ikaanim nakabiguan sa huling walong laro ng Cavaliers mula nang pabagsakin ng defending champion Golden State Warriors sa araw ng Kapaskuhan.

Nagtala si James ng 26 puntos, habang patuloy ang malamyang laro ni Isaiah Thomas na nagmintis sa kanyang unang 11 tira.

“I don’t know where it kind of went wrong or what happened,” pahayag ni James. “We’ve got to try to pick it back up and find it.”

Nitong Lunes, nginta ng Minnesota Timberwolves ang Cavs, 127-99. ;aban sa Toronto, higit na masama ang opensa ng Cleveland. Ang 133 puntos na naitala ng Raptors ang pinakamalaking puntos na napayagan ng Cavaliers ngayong season.

Nalimitahan si Kevin Love sa 10 puntos.

Nanguna sa Raptors, sumabak na wala sina All-Star guard Kyle Lowry sa injury at center Srege Ibaka na nasuspinde, si Fred VanVleet na kumana ng career-high 22 puntos, habang tumipa si Jonas Valanciunas ng 15 puntos at season-high 18 rebounds.

Nag-ambag si C.J.Miles ng 16 puntos, habang kumubra sina Pascal Siakam at Norm Powell ng tig-14 puntos at humirit si DeMar DeRozan ng 13 puntos.

CELTICS 114, SIXERS 103

Sa London, nakabalikwas ang Boston Celtics sa 22 puntos na paghahabol sa Philadelphia Sixers para maagaw ang panalo at makalikha ng senaryo na halos kaparehas ng kaganapan may 10 taon na ang nakalilipas,

Sa kanilang huling paglalaro sa London noong 2007 season, nagwagi rin ang Boston. Sa naturang season, tinanghal na kampeon sa Celtics.

Sa kasalukuyan, nangunguna sa Eastern Conference ang Boston (34-8).

Hataw si Kyrie Irving sa nakubrang 20 puntos, pitong assists at anim na rebounds.

“It’s always great to believe in fate,”pahayag ni Irving. “But for us we have to be dogged in every moment we’re afforded. It’s great for that to happen for that past team but it’s the past. We have to be very present. Winning an NBA championship is one of the hardest things you can do in life.”

Ratsada si Jaylen Brown sa naiskor na 21 puntos at kumana si Marcus Morris ng 19 puntos at walong rebounds para sandigan ang Celtics sa ikapitong sunod na panalo.

Nanguna si JJ Redick sa Sixers na may 22 puntos, tampok ang limang 3-pointers, ngunit nabigo ang Philadelphia na mapanatili ang tikas sa kabuuan ng laro para maisahan ng Celtics sa O2 Arena.

Nagsalansan si Joel Embiid ng 16 puntos, habang tumipa ang kapwa All-Star hopeful na si Ben Simmons ng 15 puntos para sa 76ers.

“This team that we just played today is the best defensive team in the NBA and we felt all of that,” sambit ni 76ers coach Brett Brown.

“When you look at their individual defensive players to a man, they’re as strong positionally as any team in the NBA.”

LAKERS 93, SPUR 81

Sa Los Angeles, ginapi ng Lakers, sa pangunguna ni Brandon Ingram na may 26 puntos, ang San Antonio Spurs.

Kumasa si Lonzo Ball na may 18 puntos para sa unang three-game winning streak ng Lakers ngayong season.

Nag-ambag si Larry Nance Jr. ng 14 puntos at 10 rebounds para tuldukan ng Los Angeles ang seven-game losing skid laban sa San Antonio sa Staples Center. Huling nanalo ang Lakers sa Spurs sa home game noong Abril 2013 ang huling season na nakausad sa playoff ang multi-titled team.

Nanguna si LaMarcus Aldridge sa Spurs na may 20 puntos, habang kumana sina Bryn Forbes ng 18 puntos at Dejounte Murray na may 14 puntos at 11 rebounds.

Samantala, nadugtungan ng Los Angeles Clippers ang malaking panalo sa Golden State nitong Miyerkules nang paluhurin ang Sacramento Kings, 121-115.

Hataw si Lou Williams sa naiskor na 30 puntos. Laban sa Warriors kumubra siya ng game-high 50 puntos.