Ni Reggee Bonoan

VICTORIOUS ang pagtatapos ng 2017 kay Derek Ramsay dahil muli siyang tinanghal na Best Actor sa Metro Manila Film Festival para sa All of You. Nanghinayang nga lang siya na hindi nanalong Best Actress ang leading lady niyang si Jennylyn Mercado.

DEREK AT BEA LANG_please crop copy

Matatandaan na nakopo nina Derek at Jen ang Best Actor at Best Actress nang una silang magtambal sa English Only Please noong 2015.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Bagamat hindi nakuha ng All of You ang slot na inasam sa box office race ay masaya pa rin si Derek dahil kumita raw sila.

Pagkatapos ng All of You, bisi-bisihan naman siya sa inumpisahan nang shooting ng Star Cinema sa pelikulang pinagbibidahan nila nina Bea Alonzo at Paulo Avelino sa direksiyon ni Ruel S. Bayani (working title: Kasal).

Ayon kay Derek, dalawang pelikula ang gagawin niya sa Star Cinema. Excited siya to the max na malaya na siyang nakakapasok sa ABS-CBN dahil naayos na ang mga dating problema.

Excited din si Direk sa pelikulang gagawin nila ni Kris Aquino sa Quantum Films na ididirehe naman ni Chris Martinez.

Ikinatutuwa rin ng aktor ang umeere nang Dunkin’ Donuts TVC niya at maganda ang sales.

Samantala, kinumpirma ni Derek ang mga nasulat na magpapakasal na sila ni Joanne Villablanca.

“Malapit na, my mind is set na ‘yan na, you know, I’m not looking at other women. I’m not looking at anything else.

My mind is set na,” say ng aktor.

Nabanggit din ito sa amin noon ni Atty. Joji Alonso, lawyer ni Derek sa annulment case niya na kung hindi magkakaproblema ay ngayong 2018 lalabas ang resulta.

Samantala, palaisipan naman sa amin kung magre-renew ulit si Derek ng kontrata sa TV5 na magtatapos na ngayong first quarter ng 2018. Hindi kasi hindi kami sinagot ng diretso ng manager niyang si Jojie Dingcong nu’ng tanungin namin.

Kasi hanggang ngayon ay hindi pa naipapalabas ang mini-series na Amo ng aktor na idinirehe ni Brillante Mendoza na two years ago pa raw nila natapos.