Azarenka
Azarenka
MELBOURNE, Australia (AP) — Nadagdagan ang listahan ng star player na hindi lalaro sa Australian Open ngayong taon.

Ipinahayag ni two-time champion Victoria Azarenka ang pagatras sa main draw ng unang major tournament ng season. Ibinigay ng organizers ang wild-card entry niya kay Ajla Tomljanovic ng Croatia.

Pormal na ipinaalam ng organizers ang pagatras ni Azarenka sa social media post nitong Lunes, isang linggo bago ang torneo.

“It’s unfortunate that (Azarenka) is unable to travel to Australia,” pahayag ng organizer sa Twitter. The Australian Open, “is her favorite tournament and she’s looking forward to returning to Melbourne next year.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakopo ni Azarenka ang Australian Open noong 2012 at 2013, ngunit naging problemado sa nakalipas na taon bunsod nang ipinaglalabang kaso para sa ‘custody’ ng kanyang anak na ipinanganak nitong 2016.

Hindi na siya lumaro sa APT mula nang masibak sa Wimbledon sa fourth round noong Hulyo 10. Nakapaglaro lamang ang dating No. 1-ranked ng anim na laro sa nakalipas na taon, dahilan para bumulusok ang kanyang ranking sa No. 208.

Nauna nang nagpahayag nang hindi paglahok si defending champion Serena Williams na nagnanais na makapagpahinga nang lubusan matapos magsilang sa kanyang unang supling.