NI ERNEST HERNANDEZ

Tenorio, pasok sa Top 15 All-time Assist leader.

SA loob ng 12 season, kaliwa’t kanang parangal ang natanggap ni Ginebra San Miguel playmaker LA Tenorio. Sa pagsisimula ng PBA Philippine Cup, may panibagong marka na naiukit sa kanyang pangalan.

Napasama ang 6-foot-2 Kings guard sa Top 15 all-time assists leaders sa liga matapos makapagtala ng pitong assists sa 104-97 panalo ng Ginebra kontra sa GlobalPort Batang Pier nitong Linggo.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

May kabuuang 2,278 assists ni Tenoroa para lagpasan si Alex Cabagnot sa ika-12 puwesto.

Napabilang si Tenorio sa listahan ng mga pamosong player, sa pangunguna ni basketball living legend Robert Jaworski (5,825). Kasunod niya sa top 5 sina Ramon Fernandez (5,220), DindoPumaren (4,043), Johnny Abarrientos(3,757) at Jimmy Alapag (3,406).

Nasa listahan din sina Willie Generalao, Ronnie Magsanoc, Philip Cezar, Olsen Racela, Francis Arnaiz, Bernie Fabiosa, Alex Cabagnot, Atoy Co at Ricardo Brown.

“15th, ibig sabihin tumatanda na ako. ‘Yun ang ibig sabihin nun,” pabirong pahayag ni Tenorio.

“To be honest, hindi ko rin alam at hindi ko rin ine-expect na makukuha yung milestone na ganoon. Hindi ko rin siya trina-track down.”

Gayunman, ang panibagong parangal ay inaasahang magdadagdag ng lakas at katatagan kay Tenorio upang higit na pagibayuhin ang laro sa Kings.

“I’m very honored. For, it’s a blessing. It is an achievement parang the more gusto mo pang increase o pakita ang kaya mong gawin.”

Tunay na napakahalaga sa koponan ang pagkakaroon ng point guard na tulad ni Tenorio.

“Especially as a point guard, siyempre tinitignan yang assists, kung paano mag-deliver, kung paano to make your teammates look good every game,” pahayag ng tinaguriang ‘Tenyente’.

“The more pagbubutihan ko especially for the team. I’m a point guard na hindi naman talaga really looking to score.

I’m a point guard really looking to set up,” aniya.

Sa edad na 33, umaasa si Tenorio na mahihigitan pa niya ang naturang mga numero.

“Magandang achievement para sa akin ito but again, sana hindi mag-stop dito. I will continue to be more aggressive in the game.”

“I’m very thankful and honored to be part of the top 15. Sino-sino ba nasa top 15? Malamang nandyan si Johnny, si Olsen – maging member of that group and still playing diba?” aniya.

Target niya na mapabilang sa top 5 bago maisabit ang kanyang jersey.

“Top 10? Maybe. We will see. Ma-aabot ko naman iyan siguro. Basta every game continue lang ako maglalaro. Dasal lang tayo na walang injury,” pahayag ni Tenorio.