Ekaterina copy

SYDNEY (AP) — Kabilang si French Open champion Jelena Ostapenko sa mga liyamadong nasibak sa opening day ng Sydney International nang masilat kay Ekaterina Makarova, 7-6 (3), 6-1, nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Nauna rito, nagretiro si fifth-seeded Kristina Mladenovic, habang naghahabol sa Australian wildcard entry na si Ellen Perez, 6-4, 4-2.

Umatras naman si Julia Gorges matapos ang pagwawagi sa ASB Classic final kontra Caroline Wozniacki sa Auckland, New Zealand.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Dahil sa labis na init, nagdesisyon ang organizers na pahabain ang minuto ng bawat breaks. Naitala rito ang pinakamainit na panahon sa kasaysayan sa nakalipas na 80 taon. May ilang lugar ang umaabot sa 47 Celsius (117 Fahrenheit).

Sa men’s first-round, umabante si Alexandr Dolgopolov nang magwagi kay Viktor Troicki 6-3, 6-7 (6), 7-5, habang namayani si Damir Dzumhur kontra Jan-Lennard Struff, 6-1, 6-4 at umusad si Paolo Lorenzi nang magwagi kay Jordan Thompson, 7-6 (5), 6-4.