Hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong ang 12 bank robbers na nakapatay ng dalawang katao noong Disyembre 14, 2004.

Sa 20 pahinang desisyon ni Judge Lilia Mercedes Encarnacion A. Gepty, ng Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Branch 75, hinatulan ng reclusion perpetua sina Bunny Servilla, Joel Mendoza, Alex Zaldy Mangalindan, Alejandro Gaudan, Reynaldo Bustamante, Rex Benjie Adier, Zaldy Selim, Ricky Cabatsa, Rolly Fernandez, Melvin Lacson, Cris Abalos, at Nilo Ocenar.

Sila ay pawang dating sundalo na umano’y kilabot na mga bank robbers.

Noong December 14, 2004, bandang 12:00 ng tanghali, hinoldap ng grupo ang isang bangko sa McArthur Highway, Barangay Dalandanan, Valenzuela City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hinabol ito ng mga pulis hanggang sa magkabarilan sa Bgy. Paso De Blas ng nasabing lungsod.

Dahil armado ng matataas na kalibre ng baril, napatay sa engkuwenro si PO2 Victor Zabala at bystander na si Baltazar De Guia.

Nag-agaw buhay din si Police Chief Inspector Rhoderick Juan matapos tamaan ng bala sa katawan, at tinamaan din ng bala ang reporter na si Dolan Castro.

Naaresto lahat ang mga suspek na pawang kinasuhan ng robbery with homicide at makalipas ang 13 taon, tuluyan silang hinatulan ng korte.

Bukod sa habambuhay na pagkakabilanggo, pinagbabayad din ng Korte ang mga hinatulan sa kanilang mga napatay at nasugatan, gayundin sa bangko.

Inilipat ang mga hinatulan sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa. - Orly L. Barcala