Ni Annie Abad

NAKAKUHA ng kaalyado si squash racket president Robert Bachman kay 2019 Southeast Asian Games Chef de Mission Monsour del Rosario.

Sinabi ni del Rosario na ipaglalaban niya ang squash para mapabilang sa sports calendar sa hosting ng bansa sa biennial meet sa 2019.

Aniya, alam niya kung gaano ang hirap na ginagawa ni Philippine Squash Academy upang ikundisyon ang mga atleta para makapaghanda sa Sea Games.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We have a hardworking man here. alam ko lahat ng hirap na pinagdaanan ng Squash to be competitive so it’s just right to support Robert (Bachmann) and his athletes for them to be included in the 2019 SEAG,” pahayag ni del Rosario.

Nauna na rito, usap-usapan ag posibilidad na hindi maisama ang squash sa 2019 sports calendar ng SEAG dahil na rin sa pagiging ‘non-performing’ nito sa nakalipas na edisyon.

Ngunit, ayon sa POC insider, nais ni Wishu president Julian Camacho na ibasura ang squash bilang ganti sa ginawang pag-alis sa ilang sports ng wushu sa nakalipas na SEA Games sa Malaysia.

Kinumpirma ito ni Bachmann, ngunit walang pormal na pahayag dito si Camacho, na isa sa pinakamalapit na Board member kay POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco.