VATICAN CITY (Reuters) – Sinabi ni Pope Francis sa kanyang year-end message na ang 2017 ay minarkahan ng mga digmaan, kasinungalingan, kawalan ng hustisya, at hinimok ang mga tao na maging responsable sa kanilang mga aksiyon.

Sa huling public event ng taon, sa gabi ng vespers service sa St. Peter’s Basilica, sinabi ng papa na binigyan tayo ng Diyos ng “whole and sound” na taon, ngunit sinayang at sinugatan ito ng sangkatauhan “in many ways with works of death, with lies and injustices”.

Habang ang mga digmaan ang pinakalantad na senyales ng “unrepentant and absurd pride”, maraming iba pang pagkakasala ang nagdulot ng “human, social and environmental degradation”.

“We must take responsibility for everything before God, our brothers and our creation,” aniya.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Sa pagtatapos ng service, naglakad si Francis sa St. Peter’s Square, nakipagkamay at nagpakuha ng litrato sa mga tao, at sandaling bumisita sa life-size nativity na itinayo sa labas.