Kritikal ang isang lalaki makaraang tarakan sa dibdib ng nakaalitang senior citizen sa Muntinlupa City kahapon ng madaling araw.

Inoobserbahan sa pagamutan si Charlie Escala, nasa hustong gulang, ng Bunyi Compound, Baranagy Cupang ng lungsod dahil sa tinamong saksak sa kaliwang dibdib.

Agad namang naaresto ng mga pulis si Ramon Aguilar, 65, kalugar ng biktima.

Sa inisyal na ulat na ipinarating sa Southern Police District, nangyari ang pananaksak sa Bunyi Compound dakong 12:15 ng umaga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bigla umanong nagtalo ang suspek at biktima sa hindi pa batid na dahilan hanggang sa dumampot ng patalim si Aguilar at umano’y galit na sinaksak sa dibdib si Escala.

Mabilis na isinugod ng mga kaanak si Escala sa ospital habang naaresto naman si Aguilar. - Bella Gamotea