LOS ANGELES (Reuters) – Naglabas si Jay-Z ng music video nitong Biyernes na tumatalakay sa sakit ng pagtataksil at makikitang nasa loob siya ng confessional booth kasama ang asawang si Beyonce.

Kinunan ang ilang bahagi sa simbahan at nagtatampok din sa 5-year-old daughter nilang si Blue Ivy, angFamily Feud video ay pagbibigay–pugay sa relasyon ng pamilya at female empowerment.

“We all lose when the family feuds,” awit ni Jay-Z. “A man that don’t take care of his family can’t be rich.”

Ang video ang huli mula sa bagong album ni Jay-Z na 4:44, na naglkalaman ng pagsagot niya sa mga alegasyon ng pagtataksila na ibinunyag ni Beyonce sa 2016 Grammy-winning album nito na Lemonade. Ipinakita rin sa video ang unidentified couple na nagtatalik, at sinaksak ng babae ang likod ng lalaki.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Pagkaraan lamang ng isang oras simula nang ilabas, ang video ay naging top trending item na sa Twitter.

Kinumpirma ni  Jay-Z, 48, sa panayam ng New York Times noong  Nobyembre na naging unfaithful siya kay Beyonce sa unang bahagi ng kanilang siyam na taong pagsasama bilang mag-asawa.

Ang soul-baring 4:44 album tungkol sa love, life at social issues ng rapper ay itinuturing ng marami na paghingi ng kapatawaran sa kanyang asawa.

Nagkapatawaran ang mag-asawa at nagsilang si Beyonce ng kanilang  kambal nitong Hunyo.

Hitik sa simbolismo, ipinapakita sa walong minutong Family Feud video ang  musikero na naglalakad papasok sa simbahan hawak ang kamay ni Blue Ivy  at umupo sa confessional booth.

Tahimik namang nakamasid si Beyonce, nakasuot ng itim na priestess-like robe, mula sa pulpit at kalaunan ay umupo habang nakikinig sa kabilang bahagi ng confessional screen.

Idinirehe ng filmmaker na si Ava DuVernay, ipinakita rin sa video  ang  kunwari ay nagdalaga nang si Blue Ivy at iba pang women of color, na ginampanan ng mga  aktres na sinaMindy Kaling, Rosario Dawson, America Ferrera, Thandie Newton  at Niecy Nash, na  tila namumuno sa mundo.

Si Jay-Z ay may walong nomination sa Grammy Awards, kabilang ang top prizes na best album, song at record of the year.