NANATILING malinis ang marka ni Cris Justino sa 19-0. (AP)
NANATILING malinis ang marka ni Cris Justino sa 19-0. (AP)

LAS VEGAS (AP) — Napanatili ni Cris "Cyborg" Justino ang malinis na marka nang gapiin si Holly Holm via unanimous decision para mapanatili ang featherweight belt sa UFC 219 nitong Sabado.

Nakuha ni Justino ang ayuda ng mga hurado sa iskor na 49-46, 48-47 at 48-47 para sa kanyang ika-19 na sunod na panalo. Ito ang unang pagkakataon sa kanyang career na umabot ang laban sa limang round.

Matikas na naghamok ang dalawa na kapwa determinado na mangibabaw sa kanilang dibisyon, ngunit ang bilis at liksi ni Justino ang naging bentahe niya sa krusyal na sandali.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Halos magsara ang mga mata ni Holm sa tindi ng pasa na inabot sa mga suntok ni Justino. Target ni Holm (11-4) na makaulit sa malaking upset win sa dating undisputed champion na si Ronda Rousey.

Nanatili namang undefeated si Khabib Nurmagomedov sa lightweight class nang magapi si Edson Barboza via unanimous decision.

Nakuha ng second-ranked na si Nurmagomedov ang iskor na 30-25, 30-25 at 30-24. Nahila ni Nurmagomedov ang marka sa 25-0, kabilang ang 9-0 sa UFC, habang bumagsak si Barboza sa 19-5.