HINDI pa man kinukulang ng talent dahil sa presensiya ni 2016 Rio de Janeiro Olympian marathoner Mary Joy Tabal, target ng Phi¬lippine Sports Commission (PSC) na makatuklas nang mga bagong talent na susunod na kanyang mga yapak.
Kabilang sa programang isinusulong ng PSC para makatuklas ng mga bagong talent ang gaganaping Sinulog 10K/5K/3K Fun Run 2018 ng PSC Visayas Open Tournament sa Enero 7.
“We will jumpstart the Visayas Open 2018 with a series of events for the year,” pahayag ni Boobie Kintanar, Executive Assistant ni PSC Commissioner Ramon Fernandez.
Target ng ahensiya na pagtuunan ng pansin ang mga marathoner na may edad 12 pababa. Ang mga mapipiling talent ay sasanayin bilang training pool ng PSC-Philippine Sports Institute.
“Our goal is to find the next Mary Joy Tabal in the Visayas,” sambit ni PSI director for Visayas Nonie ¬Lopez. “We want to find them now at age 12 or at age 16, not at age 20 because it will be too late. At age 12, they will be guided before they get to 16 or 20. They’ll peak at the right moment.”
Aniya, hindi kulang ng talent ang probinsiya ay maraming atleta ang naghihintay lamang ng pagkakataon na mapabilang sa training pool.
May tatlong kate¬gorya ang youth ¬division sa patakbo na kapapalooban ng 3K Under-12, 5K Under-16 at 10K Under-22. Walang bayad ang pagpapatala ng paglahok.
Ang top five girls and boys finishers sa Under-14, Under-16, Under-18, Under-20 at Under-22 ang bubuo sa 60 runners sa Visayas training pool.