Ni Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Inilabas kahapon ni Police Regional Office (PRO)-3 Director Chief Supt. Amador V. Corpus ang kabuuang bilang ng mga firecracker zone o community display areas sa Central Luzon, na umabot sa 619.

Pinakamaraming firecracker zone sa Bulacan, na umabot sa 201, kasunod ang Zambales na may 163, may 92 sa Nueva Ecija, 68 sa Bataan, 31 sa Pampanga, 27 sa Tarlac, 23 sa Aurora, at 14 sa Angeles City sa Pampanga.

Kasabay nito, ipinaalala ni Corpus sa publiko na iwasang gumamit ng paputok, habang ang mga magpapaputok ay dapat na gumawi lamang sa mga firecracker zone upang maiwasang masugatan sa pagsalubong sa 2018.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!