Ni Yas Ocampo at Beth Camia

Ipinadala na ni Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte ang kanyang resignation letter sa kanyang ama na si Pangulong Duterte.

Sa kanyang pahayag sa media, sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na sa pamamagitan ng koreo ay ipinadala na kahapon ng bise alkalde sa Malacañang ang resignation letter nito, na may petsang Disyembre 26.

Ayon sa alkalde, naka-leave si Paolo simula Disyembre 26 hanggang 31, at mananatiling on leave hanggang sa tanggapin ng Pangulo ang pagbibitiw nito sa tungkulin.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“He was firm in his decision... and I only listened to his reasons and then told him I supported him all the way,” sabi ni Mayor Sara.

Sa ngayon, ang majority floor leader na si Bernard Al-ag ang tumatayong bise alkalde ng lungsod.

Nilinaw din ni Mayor Sara na matagal nang pinag-iisipan ng kapatid na magbitiw sa tungkulin matapos itong madawit sa P6.4-bilyon shabu shipment smuggling.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na may 15 araw na palugit para desisyunan ni Pangulong Duterte ang resignation ni Paolo.

Ayon kay Roque, batay sa probisyon ng Local Government Code, kailangang aksiyunan ang liham ng pagbibitiw sa loob ng 15 araw, at kung walang gagawin ng Pangulo ay magiging epektibo na ito o “deemed accepted.”