HANDA nang magbalik-aksiyon si Serena Williams matapos magsilang sa panganay na si Alexis Olympia Ohanian Jr. nitong Setyembre 1. Ikinasal siya kay Reddit co-founder Alexis Ohanian nitong Nobyembre. - AP
HANDA nang magbalik-aksiyon si Serena Williams matapos magsilang sa panganay na si Alexis Olympia Ohanian Jr. nitong Setyembre 1. Ikinasal siya kay Reddit co-founder Alexis Ohanian nitong Nobyembre. - AP

ABU DHABI, United Arab Emirates (AP) — Balik-aksiyon ang dating world No.1 na si Serena Williams para sa isang exhibition match kontra French Open Jelena Ostapenko sa Sabado sa Abu Dhabi.

Ito ang unang sabak si Williams mula nang magwagi sa Australian Open nitong Enero. Nagsilang siya ng kanyang panganay nitong Setyembre.

Makakaharap niya si Ostapenko sa Mubadala World Tennis Championship kung saan lalaruin ang women’s match sa unang pagkakataon, ayon sa tournament organizers.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I am delighted to be returning to the court in Abu Dhabi for the first time since the birth of my daughter in September,” pahayag ng 36-anyos na si Williams.

Tangan ni Williams ang 23 Grand Slam singles titles – marka na mahirap mabura sa professional era. Inaasahan ding sasagupa siya sa Australian Open – unang major tournament ng season – sa Enero 15.

“The Mubadala World Tennis Championship has long marked the beginning of the men’s global tennis season and I am excited and honored to be making my comeback as part of the first women to participate in the event,” sambit ni Williams.