Mahigit sa 1.3 milyong naghahanap ng trabaho at estudyante ang nakinabang sa job facilitation at skills training programs ng Department of Labor and Employment (DoLE) ngayong taon.

Aabot sa isang milyong benepisyaryo ang nagtungo sa 2,675 nationwide job fair na isinagawa ng mga regional office ng DoLE, katuwang ang mga kaagapay nito sa pribadong sektor at lokal na pamaahalaan.

Inihayag ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na 19 porsiyento ng mga nakibahagi sa mga job fair ay naging employed workers ngayong 2017 makaraang ma-hired-on-spot (HOTS). 

Nakapagbiagay ang DoLE ang mga pansamantalang trabaho sa pamamagitan ng Special Program for Employment of Students (SPES) sa 274,080 estudyante, upang matulungan ang mga itong kumita para sa kanilang edukasyon habang bakasyon.

National

Disyembre 26, 2024 hindi idedeklara bilang holiday – Malacañang

Napataas din ng kagawaran ang bilang mga may trabaho na 35,377 college graduates, sa pamamagitan ng Government Internship Program (GIP), at nagkatrabaho ang 4,992 Pilipinong not in employment, education, or training (NEET) sa pamamagitan ng JobStart program.

Sa susunod na taon, target ng DoLE na matulungan ang mas maramig Pinoy kasabay ng pagpapalaganap ng kaalaman sa Trabaho, Negosyo, at Kabuhayan (TNK) kasama ang Department of Trade and Industry (DTI).

Ang TNK ay ang regular na mga jobs fair na ginagawa ng DoLE, ngunit mayroon itong pagsasanay sa negosyo at kabuhayan mula sa DTI. 

“This is where massive employment and entrepreneurship opportunities are made available to local communities especially next year when the government sets in full throttle the TNK at the grassroots level,” ani Bello. 

Sa pamamagitan ng TNK, sinabi ni Bello na target ng gobyerno na bawasan ang bilang ng mga manggagagawang hindi maganda ang lagay sa informal sector.

“We are optimistic in our employment situation. However, we need to sustain our efforts to strengthen decent work gains and address the remaining employment challenges,” saad ni Bello. - Samuel P. Medenilla