Ni Liezle Basa Iñigo

Patay ang dalawang katao habang sugatan ang tatlo pa sa banggaan ng Toyota Hilux pick-up at tricycle sa Maharlika Highway sa Barangay San Jose, Gonzaga, Cagayan.

Kinilala ang mga nasawing sina Jerick Agbayani, 17, binata, Grade 10 student, driver ng tricycle; at Melchor Pimienta, 47, kapwa residente ng Bgy. Marede, Sta. Ana, Cagayan.

Sugatan naman sina Gil Agbayani Jr., 47, ng Bgy. Prada Bato, Sta Ana; Lexus Castillo, 16, Grade 10 student; at Ali Castillo, 15, lahat ay taga-Bgy. Marede, Sta. Ana, Cagayan at mga pasahero sa tricycle.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Dakong 12:45 ng umaga nitong Miyerkules umano nang magkasalubong na binabagtas ng Toyota Hilux, na minamaneho ni Demetrio Rabang Jr., 39, at tricycle na minamaneho ni Jerick Agbayani, ang zigzag na bahagi ng lugar nang magkasalpukan sila.