Kinumpirma ng veterinary clinic ang pagpanaw ng viral na asong nabangga ng isang motorsiklo sa Pasig City.
Sa inilabas na pahayag ng Animales De Compania nitong Lunes, Marso 23, 2026, sinabi nilang nagtamo ang aso ng internal bleeding at iba pang pinsala sa katawan.
"Despite our team's best efforts to stabilize him, the internal bleeding and the severity of the impact were simply too great for his body to overcome," anang naturang vet clinic.
Saad pa nila, ikinararangal daw nilang nabigyan nila ng matinong pagkalinga ang nasabing stray dog hanggang sa kaniyang huling hininga.
"Even in the most difficult cases, we believe every animal deserves a fighting chance and a dignified presence by their side. It was our honor to provide that for him in his final hours, and as part of our commitment to this mission, we are covering all medical and aftercare expenses," anila.
Batay sa nagkalat na video online, mapapanood na nakaratay sa kalsada ang isang motorcycle taxi rider na pinaniniwalaang nakabangga sa naturang aso.
Habang makikita rin ang pagpupumilit ng aso na makatayo habang bali ang isang paa hanggang sa bumagsak na lamang ito sa isang tabi.
Doon na siya nilapitan ng isang lalaki na ayon sa veterinary clinic ay staff nila at saka ni-rescue patungo sa kanilang clinic.
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang ulat kung ano ang nagyari sa rider na nabundol sa naturang aso.