May 22, 2026

Home BALITA National

‘Hindi gender ang batayan ng kakayahan!’ PNP, bukas sa ideyang itaas recruitment quota ng kababaihan

‘Hindi gender ang batayan ng kakayahan!’ PNP, bukas sa ideyang itaas recruitment quota ng kababaihan
Photo courtesy: PNA (website)

Malugod na tinanggap ng Philippine National Police (PNP) ang panukalang pagtataas ng recruitment quota ng kababaihan sa kanilang ahensya bilang pagpapaigting ng gender representation sa pag-iimplementa ng batas. 

Ayon sa pahayag ng PNP noong Linggo, Marso 22, mula sa kasalukuyang 10% recruitment quota ng kababaihan, itinutulak na nila itong itaas sa 20% dahil sa patuloy na pangunguna ng kababaihan sa iba’t ibang posisyon sa ahensya. 

Kaya saad ni PNP chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr., ito ay patunay na sa PNP. hindi kasarian ang sukatan ng kakayahan, ngunit serbisyo at dedikasyon. 

“Sa PNP, hindi gender ang batayan ng kakayahan, ang serbisyo at dedikasyon ang mahalaga,” ani Nartatez. 

Aniya pa, ang mga babaeng opisyal sa PNP ay mayroon ding angking pagmamalasakit at pamamagitan sa kanilang serbisyo, na nakatutulong upang mas tiyakin ang mga komunidad sa kanilang kaligtasan. 

National

'Walang humarang sa amin!' Sen. Robin, mariing tinangging tinakas niya si Sen. Bato

“Female police officers bring a unique perspective to the field, often prioritizing empathy and mediation. They excel in handling sensitive cases to make people in the community feel that their voices are heard and feel safer,” pagkilala ng hepe. 

Kaya alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., layon pa ng inisyatibang ito na mas palaganapin ang gender-responsive na pamumuno at pagpapalakas ng tungkulin ng kababaihan sa serbisyo-publiko. 

“We have shattered the glass ceiling. From field operations to high-level commands, we are giving them fair chance. We have female generals and provincial directors leading with excellence because we value competence above all else,” saad ni Nartatez. 

Sa kaugnay na ulat, ibinahagi rin ng PNP na sa kanilang datos noong Pebrero 2026, binubuo na ng 52,223 kababaihan ang kabuoang bilang ng 236,493 personnel ng PNP. 

Kabilang dito ang 43,847 uniformed personnel, 8,098 non-uniformed staff, at 278 kadete.