Phoenix's Jason Perkins vs  San Miguel's Arwind Santos  (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Phoenix's Jason Perkins kontra San Miguel's Arwind Santos (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)

Ni Ernest Hernandez

PORMAL nang sinimulan ang 43rd season ng PBA nitong Linggo tampok ang duelo sa pagitan ng three-time Philippine Cup champion San Miguel Beer at Phoenix Fuel Masters.

Walang pagbabago sa ratsada ng Beermen tungo sa 104-96 panalo, ngunit kapansin-pansin ang hindi pagkahuli ng starting five na nagpamalas ng impresibong debut.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Matapos ipamigay sina Ronald Tubid, Yancy de Ocampo at Rashawn McCarthy sa three-player trade sa Kia Picanto kapalit ni Christian Standhardinger, kumana ang bench mob sa pangunguna nina Brian Heruela, sophomore Von Pessumal, at Matt Ganuelas-Rosser. Napasama rin sina Chico Lanete at Billy Mamaril.

Ngunit, ang karanasan ng mga beteranong starter ang nagdala sa Beermen.

“I think they are still adjusting to the system. Of course, yung mga kapalitan eh! yung discrepancy. Medyo mataas ng konti sa kanila,” pahayag ni SMB coach Leo Austria.

Tunay na sa kampanya ng Beermen na mapanatili ang korona sa Philippine Cup, kailangan magbanat ng buto ang frontline.

“That is very important. Sana maisip nila kung anong mission ng team, not only for the four-peat but this is an all-Filipino conference na everybody thinks na San Miguel is the team to beat,” aniya.

Sunod na makakaharap ng Beermen ang Meralco Bolts sa Dec. 27 bago ang out-of-town duel kontra TnT KaTropa sa Iloilo City.

“I hope as soon as possible. They should realize na hindi kailangan mag-rely doon sa starter namin because we also need them although yung first stringer mado-dominate nila yung playing time,” pahayag ni Austria.

“It is a good thing sa pressure na ‘yun - mga challenge ‘yun for us to work hard,” aniya.