Ni ALI G. MACABALANG

KIDAPAWAN CITY – Tatlo pang aksidente ang nangyari nitong weekend sa sinasabing “killer” highway sa Barangay Amas sa Kidapawan City, North Cotabato, na ikinasawi ng isang hepe ng pulisya at tatlong sibilyan, at ikinasugat ng limang iba pa.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawing opisyal ng pulisya na si Chief Insp. Raymond Sarmogenes, hep eng Antipas Police, at taga-General Santos City.

Sakay si Sarmogenes at apat na sibilyan sa Toyota Avanza nang makabanggaan ang isang Willy’s Jeep bandang 3:10 ng hapon nitong Linggo sa Kilometer 10 ng national highway sa may Bgy. Amas, ayon kay Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng North Cotabato Police Provincial Office.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Matindi ang tinamong sugat ng mga kasamahan ni Sarmogenes na si Joselito de Julian Aberde, asawang si Maria Evelyn Aberde, 48, at mga anak na sina Jenny Joy, 26; at John Rey, 18, taga-Bgy. Poblacion 7, Midsayap, na pawang naisugod kaagad sa ospital.

Wala pang isang oras ang nakalipas, nagkasalpukan naman ang isang motorsiklo at isang kotse.

Sa lakas ng banggaan, tumilapon ang motorcycle rider habang duguan naman ang angkas nito.

Hindi naman kaagad na natukoy ang pagkakakilanlan ng dalawa makaraang isugod kaagad sa ospital, ayon sa mga residente.

Sabado ng gabi nang bumangga sa bakal na poste ang motorsiklong kinalululanan nina Brian Laidan at Jasper Ulpindo, kapwa senior high school student, sa kaparehong highway.

Kaagad na nasawi si Laidan habang comatose naman si Ulpindo. Nabatid na kapwa lasing ang dalawa nang mangyari ang aksidente. - May ulat ni Fer Taboy