Ni MARIVIC AWITAN

NU: PVL Champion
NU: PVL Champion
TILA isinilang na muli ngayong taon dahil sa ginawa nilang pagpapalit ng pangalan mula sa pagiging Shakey’s V League sa loob ng 12 taon ang Premier Volleyball League.

Kahalintulad ng pinagmulan nila -ang orihinal na commercial volleyball league ng bansa, mainit din itong tinangkilik at naging matagumpay sa kanilang unang taon na tinampukan ng tatlong conferences na binubuo ng season opener Reinforced Conference, ang mid-season Open Conference at ang Collegiate Conference.

Maliban din sa nakasanayang women’s division, nagkaroon din ng men’s division competitions sa nabanggit na tatlong conference sa hangad na palaguin din gaya ng tinatamasa ngayon ng women’s ang sport sa hanay ng kalalakihan.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Pinangunahan nina American imports Krystal Rivers at Michelle Strizak katulong ang local star na si Myla Pablo, pinataob ng Pocari Sweat ang topseed Balipure,2-1, sa kanilang best of three finals series upang tanghaling kampeon ng Reinforced Conference.

Ang nasabing panalo ang ikatlong titulo ng Lady Warriors sa liga mula sa huling taon ng Shakey’s V League at ang una matapos mawala ang kanilang dating star player na si Michelle Gumabao na lumipat ng team sa ibang liga.

Naging matamis ang nasabing kampeonato para sa Lady Warriors dahil dumaan sila ng round robin quarterfinals na mayroon lamang isang import makaraang magtamo ng hamstring injury ang nauna nilang import na si Edina Selimovic ng Bosnia.

Ginapi nila sa semis ang Power Smashers upang maitakda ang finals meeting nila ng Water Defenders.

Nang sumunod na conference, bumawi naman ang Balipure sa nasabing kabiguan sa Pocari sa Reinforced Conference finals nang walisin nila ang una sa finals series ng Open Conference.

Pinamunuan nina Finals MVP Grethcel Soltones at team skipper Jasmine Nabor ang nasabing redemption win ng Water Defenders na nagbigay sa kanila ng unang titulo sa liga.

Ang panalo ayon sa league’s most winningest coach na si coach Roger Gorayeb S6 bunga ng sipag at pagtityaga ng kanyang mga players.

Samanala sa season ending collegiate conference, nagtala naman ng record na tournament sweep ang National University upang makopo ang titulo.

Namuno ang Conference MVP na si Jaja Santiago katuwang ang Finals MVP na si Nabor sa paggapi sa second seed Far Eastern University Lady Tamaraws sa kanilang best of 3 finals series upang makopo ang titulo ng season ending conference.

Ang kampeonato ang ikatlong sunod na Collegiate championship ng Lady Bulldogs sa liga mula pa noong 2015 at 2016 sa Shakey’s V League.

Sa Spikers Turf na isinanib na sa PVL, dinomina ng Cignal ang unang dalawang conferences habang pinagharian manana ng reigning UAAP champion Ateneo de Manila ang Collegiate Conference. V. A.