GINAPI ng Ceres Negros ang Global Cebu, 4-1, para makopo ang Philippines Football League (PFL) championship nitong Sabado sa Panaad Stadium sa Bacolod City.

Naiskor ni Ian Ramsay ang huling tatlong goal para gulantangin ang karibal at paliyabin ang damdamin ng local crowd sa pagbubunyi. Ito ang ikalawang national title ng ceres mula 2012.

Unang nakaiskor sa Negros si Bienve Marañon sa ikaapat na minuto ng laro. Samga sumunod na aksiyon, walang naging sentro ng pagbubunyi kundi si Ramsay.

Nakaiwas ang Cebu sa pagkabokya nang makaiskor si Darryl Roberts sa ika-89 minuto ng laro.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA