Cleveland Cavaliers' LeBron James, center, drives between Utah Jazz's Ekpe Udoh, left, and Thabo Sefolosha, from Switzerland, in the second half of an NBA basketball game, Saturday, Dec. 16, 2017, in Cleveland. (AP Photo/Tony Dejak)

Lebron, umukit ng marka sa triple-double; Spoelstra, winningest Heat coach

CLEVELAND (AP) — Hataw si LeBron James sa naiskor na 29 puntos, 11 rebounds at 10 assists para sa ika-60 career triple-double at sandigan ang Cavaliers kontra sa kulang sa player na Utah Jazz, 109-100,nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Ito ang ikalimang triple-double ni James ngayong season at ikatlo sa huling apat na laro. Kumana siya ng 10 puntos sa fourth quarter sa impresibong 9 of 15 sa field at 10-of-10 sa foul line.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakopo ng Cleveland ang 17 panalo sa huling 18 laro at ika-11 sunod sa Quicken Loans Arena.

Hindi nakalaro sa Jazz si star center Rudy Gobert (sprained ligament and bone bruise in left knee) at forward Derrick Favors (left eye laceration) na natamo nila sa pahirapang panalo kontra sa Boston Celtics nitong Biyernes.

Nanguna sa Utah si rookie Donovan Mitchell na may 26 puntos.

Nag-ambag si Kevin Love ng 15 puntos sa Cavaliers, habang tumipa si Kyle Korver ng 12 puntios.

HEAT 90, CLIPPERS 85

Sa Miami, kumana si Josh Richardson ng career-high 28 puntos para sandigan ang Heat kontra Los Angeles Clippers.

Nailista ni Heat coach Erik Spoelstra ang bagong marka sa prangkisa at career sa naitalang 455 wins at lagpasan ang record ni Pat Riley. Si Spoelstra ang isa sa dalawang aktibong coach sa NBA na nakapagtala ng mahigit sa 450 panalo sa kanilang hawak na koponan, kasunod ni San Antonio’s Gregg Popovich.

Nagsalansan si Dion Waiters ng 13 puntos at may nakubrang 11 puntos si Kelly Olynyk para sa Miami, nagwagi sa ikaapat na pagkakataon sa huling limang laro.

Nalimitahan si Clippers’ star Lou Williams sa 13 puntos, malayo sa kanyang naipuntos sa huling 17 sunod na laro ng Los Angeles. Nangun a si Montrezl Harrell’s na may 15 puntos at tumipa si DeAndre Jordan ng 12 puntos at 20 rebounds.

ROCKETS 115, BUCKS 111

Sa Houston, isinantabi ni James Harden ang payo ng team doctor hingil sa nadaramang sakit sa namamagang tuhod para makakubra ng 31 puntos sa panalo ng Rockets kontra sa matikas na Milwaukee Bucks.

Nag-ambag si Chris Paul ng 25 puntos para mahila ang winning streak ng Houston sa 13. Ito ang pinakamahabang winning streak ng Rockets mula nang maitala ang franchise-best 22 sunod nong 2007-08 season.

“Mentally, this was a big win for us,” pahayag ni Paul.

“We never let go of the rope. Every time they made a little push, we stayed right there down the stretch. James was out there, basically, on one leg. The mental toughness we showed as a team is what we take from this game.”

Nanguna sa Bucks si Giannis Antetokounmpo sa naiskor na 28 puntos, siyam na rebounds, limang assists at apat na steals, habang kumikig si Khris Middleton sa natipang 23 puntos ay kumubra I Brogdon ng 20 puntos.

CELTICS 102, GRIZZLIES 93

Sa Memphis, Tennessee, ratsada si Kyrie Irving sa naiskor na 20 puntos, habang kumana si Jayson Tatum ng 19 puntos ay siyam na rebounds sa panalo ng Boston Celtics kontra Memphis Grizzlies.

Ratsada rin si Al Horford na may 15 puntos.

Nabalewala ang markana 31 puntos ni Marc Gasol sa Memphis, habang nag-ambag sina Tyreke Evans na may 25 puntos, Dillon Brooks na may 14 puntos, tampok ang season-best apat na three-pointers.

Tangan ang 21 puntos sa third period, pinangunahan ni Mark Gasol ang istoryahan, para maagaw ang bentahe sa 73-71 sa pagtatapos ng third period.

Sa fourth period, sumambulat ang mainit na opensa para sa Celtics tungo sa 16 puntos na ayuda para maagaw ng Boston ang 87-73 bentahe.

Sa Iba pang mga laro, tinusta ng Phoenix Suns ang Minnesota Timberwolves, 108-106; napausukan ng Portland Trail Blazers ang Charlotte Hornets, 93-91; habang sinalubong ng pangungutya ng mga tagahanga si Carmelo Anthony sa kanyang pagbabalik sa Madison Square Garden kung saan inokray ng Knicks ang Oklahoma City Thunder, 11-96.