Thunder, nanaig sa Sixers sa triple overtime.

PHILADELPHIA (AP) — Sa loob ng tatlong overtime, walang tulak-kabigin ang determinasyon ng Thunder at Sixers. Puntos laban sa puntos, depensa kontra depensa. Ngunit, sa huli, humalik ang suwerte sa Oklahoma City Thunder.

Kandidato para sa ‘NBA game of the Year’ ang labanan nina Russell Westbrook at Joel Embiid sa magkabilang dulo ng hard court sa matikas na palitan ng tira at pagdepensa para sa kahanga-hangang play, ngunit naging panigit si Andre Roberson na tumipa ng game-winning shot para sandigan ang Thunder sa 119-117 panalo nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Oklahoma City Thunder's Russell Westbrook, left, goes up for the dunk with Philadelphia 76ers' Dario Saric, right, of Croatia, defending during the third overtime period of an NBA basketball game, Friday, Dec. 15, 2017, in Philadelphia. The Thunder won 119-117 in triple overtime. (AP Photo/Chris Szagola)
Oklahoma City Thunder's Russell Westbrook, left, goes up for the dunk with Philadelphia 76ers' Dario Saric, right, of Croatia, defending during the third overtime period of an NBA basketball game, Friday, Dec. 15, 2017, in Philadelphia. The Thunder won 119-117 in triple overtime. (AP Photo/Chris Szagola)

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Hataw ang reigning MVP na si Westbrook sa natipang 27 puntos, 17 rebounds at 15 assists, habang ratsada si Embiid sa nakubrang 34 puntos para sa Sixers.

Sa kabila ng pananakit ng likod bunsod nang masamang bagsak sa kanyang driving lay-up, pinangunahan ni Embiid ang Sixers para makaahon sa 17 puntos na pagkakabaon.

Nagawang maitabla ng Sixers ang iskor sa 94-all nang maisalpak ni Ben Simmons ang dunk mula sa assist ni Embiid may 53 segundo ang nalalabi sa regulation. Tinapos ng Sixers ang fourth period sa 11-0 run.

Pinangunahan ni Embiid ang opensa mara makausad ang Sixers sa limang puntos na bentahe may 1:20 sa first ovetime.

Hindi nagpadaig sina Paul George ang Westbrook para maitabla ang iskor sa 102-all at naisalbay ni Dario Saric ang three –pointer sa buzzer.

Hindi rin nakuha ng Sixers ang panalo sa second overtime nang sumablay ang tira may 1.2 segundi ang nalalabi.

ROCKETS 124, SPURS 109

Sa Houston, nailista ng Rockets ang ika-12 sunod na panalo nang pabagsakin ang San Antonio Spurs.

Ratsada si Chris Paul sa naiskor na 28 puntos, walong assists at pitong steals para mapunan ang malamyang opensa ni James Harden.

May pirasong marka ang opensa ni Paul para tanghalin siyang unang player sa NBA na nakaiskor ng 28 puntos, walong assists at pitong steals laban sa Spurs. Sa nakalipas na 10 taon, ang naturang stats ay napagtagumpayan sa 10 pagkakataon, kabilang ang anim mula kay Paul.

Nagawa ni Paul ang matikas na kampanya sa sitwasyon na inalat sa outside shooting ang kasanggang si James Harden, nalimitahan sa 28 puntos sa 6-of-18 sa field.

Nakopo ng Rockets ang ikaapat na longest winning streak sa kasaysayan ng prangkisa at pinakamahaba mula nang mailista ang franchise-best 22 straight sa 2007-08 season.

Lahat ng Rockets starters, gayundin si reserve Eric Gordon ay kumubra ng double digits, sa pangunguna ni Clint Capela na may 18 puntos at 10 rebounds, si Gordon na may 14 puntos, Ryan Anderson may 12 puntos at Trevor Ariza na may 11.

Nanguna si LaMarcus Aldridge sa Spurs na may 16 puntos, habang tumipa si Joffrey Lauvergne ng 14 puntos.

JAZZ 107, CELTICS 95

Sa Boston, ginapi ng Utah Jazz, sa pangunguna ni Ricky Rubio na kumana ng 22 puntos, ang Celtics.

Kumubra si Donovan Mitchell ng 17 puntos mula sa 6 of 19 shooting, habang tumipa si Jonas Jerebko ng 15 puntos.

Nagnuna si Kyrie Irving sa Boston na may 33 puntos.

Sa iba pang mga laro, nailista ng Chicago ang ikalimang sunod na panalo nang pabagsakin ang Milwaukee Bucks, 115-109; hiniya ng Denver Nuggets ang New Orleans, 117-111, sa overtime. Giniba ng Detroit Pistons ang Indiana Pacers, 104-98;