ELLEN AT JOHN LLOYD copy

Ni JIMI ESCALA

KINUMPIRMA ng kababayan naming fashion designer na malapit na kaibigan ni Ellen Adarna na nagtungo sa isang kilalang hospital ang sexy star kasama ang kasintahang si John Lloyd Cruz.

Ayaw mang pangunahan ng source namin sina Lloydie at Ellen, namamasdan daw niya ang malaking pagbabago ng katawan ni Ellen. Tumataba raw ang sexy star at lumapad ang balakang.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Bagamat wala pa ring pormal na pag-amin sa tunay na relasyon sina Ellen at John Llloyd, wika nga’y action speaks louder than words. Wala ring direktang pag-amin o pahayag sina Luis at Ellen pero marami na ang nagsasabi at naiuulat na buntis nga raw si Ellen.

May mga tagahanga si John Lloyd Cruz na hinihintay ang pagbabalik telebisyon niya. Nami-miss na raw nila si Lloydie, na on-leave pa simula noong magtungo sila ni Ellen sa Europe.

May source kaming ABS-CBN insider na ang nagbulong sa amin na pinag-iisipan nang palitan si John Lloydi sa Home Sweetie Home. Napatunayan daw kasi ng produksiyon na kahit wala ito ay patuloy pa ring mataas ang ratings ng show.

High ratings ang patunay na hindi nabawasan ang suporta ng viewers sa sitcom kahit wala si John Lloyd.

Pag-amin pa ng source, napapadalas ang pagtungo ni John Lloyd sa Cebu.