Ni Rommel P. Tabbad

Isa pang bagyo ang inaasahang mabubuo sa Philippine area of responsibility (PAR) sa loob ng 24 hanggang 48 oras.

Ang nasabing low pressure area (LPA) ay huling namataan sa layong 450 kilometro sa silangan ng Surigao City, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Kapag tuluyang mabuo bilang bagyo, tatawagin itong ‘Urduja’.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Sa taya ni Meno Mendoza, weather forecaster ng PAGASA, tatahakin nito ang Eastern Visayas.

Apektado rin ng LPA ang Mindanao, Mimaropa at Visayas na makararans ng kalat-kalat na pagkulog at pagkidlat, habang maaapektuhan naman ng tail-end ng cold front ang Bicol, Eastern Visayas, at Calabarzon.