Ni Fer Taboy

Inilibing kahapon si Philippine Association of State Colleges and Universities (PASUC) President Dr Ricardo Roturas sa Greenhills Memorial Garden sa Barangay Bulua, Cagayan de Oro City.

Sinabi ni Jenn Sitoy, spokesman University of Science and Technology of Southern Philippines (USTP) spokesperson, na bago ilibing si Roturas ay magkakaroon muna ng Misa sa university gym.

Tulad ng inaasahan, nagsikip ang daloy ng trapiko sa dami ng nakipaglibing sa presidente ng unibersidad.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ilang mag-aaral at alumni ang naghintay na lang sa Greenhills Memorial chapel upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko.

Binaril si Rotoras ng dalawang katao sa tapat halos ng kanyang bahay noong Disyembre 2.

Galing siya sa isang Christmas party sa Cagayan de Oro City.

Naglaan ang Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) ng P2.5 milyong pabuya sa makapagtuturo sa mga suspek at mastermind ng krimen.