Lakers, nakalusot sa tres ni Ingram; Okafor, ipinamigay ng Sixers.

PHILADELPHIA (AP) – Bata sa labanan, ngunit may pusong palaban si rookie Brandon Ingram.

Naisalpak in Ingram ang go-ahead three-pointer sa krusyal na sandali para pigilan ang matikas na pagbalikwas ng Philadelphia 76ers tungo sa 107-104 panalo ng Los Angeles Lakers nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Nagtumpok si Ingram ng 21 puntos, tampok ang game-winning triple may 0.8 segundo ang nalalabi para maisalba ang Lakers (9-15) at tuldukan ang five-game losing skid.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nabitiwan ng Lakers ang 16 puntos na benthe sa third period nang manalasa ang Sixers sa 18-7 run para maidikit ang iskor sa 92-88 may anim na minuto ang nalalabi sa laro.

Naitabla ni Joel Embiid, nakapagtala ng 20 puntos o higit pa sa ikalimang sunod na laro, ang iskor sa 101-all may 2:18 sa final buzzer.

Muling nakaabante ang Lakers mula kina Julius Randle at split free throw ni Kentavious Caldwell-Pope, 104-101.

Naisalpak nina Holmes at Embiid ang tatlong free throw sa sumunod na play para muling magtabla ang iskor sa 104-all may 30 segundo ang natitira sa regulation.

Napigilan ni Randle ang posibleng game-winning basket ni Embiid na naging daan para sa game-winning triple ni Ingram.

Nagtumpok sina Randle at Jordan Clarkson ng tig-16 puntos, habang tumipa si Caldwell-Pope ng 13 markers.Nag-ambag si Lonzo Ball ng 10 puntos, walong rebounds at walong assists.

Nanguna si Embiid sa Sixers (13-11) sa nakubrang 33 puntos, habang naitala ni Ben Simmons ang career triple-double -- 12 puntos,15 assists at 13 rebounds.

WIZARDS 109, SUNS 99

Sa Phoenix, hataw si Bradley Beal sa natipang 34 puntos sa panalo ng Washington Wizards kontra Suns.

Kumubra si dating Sun Markieff Morris ng 21 puntos para sa ikatlong panalo sa huling apat na laro ng Wizards.

Nanguna si T.J. Warren sa Phoenix na may 23 puntos.

NETS 100, Thunder 95

Sa Mexico City, nakabawi ang Brooklyn Nets mula sa malamyang simula para maitakas ang pahirapang panalo kontra sa Oklahoma City Thunder.

Pinangunahan ni Rondae Hollis-Jefferson ang 10-2 fourth quarter run ng Nets para burahin ang 15 puntos na bentahe ng Thunder at agawin ang abante sa 84-81 may 9:44 sa laro.

Mag-isang binalikat ni Russel Westbrook ang opensa ng Thunder bunsod nang malamig na shooting ni Carmelo Anthony.

indi naman nakalaro sina star forward Paul George at Jerami Grant bunsod ng injury.

Naitala ni Caris LeVert ang 21 puntos at 10 assists, habang kumana si Hollis-Jefferson ng 17 puntos para sa Nets (10-14). Nag-ambag si Allen Crabbe ng 15 puntos.

Nanguna si Westbrook sa game-high 31 puntos.

Samantala, ipinamigay ng Sixers si dating star player Jahlil Okafor sa Brooklyn Nets kapalit ni Trevor Booker. Nakuha rin ng Nets sa trade si Nik Stauskas at 2019 second round pick.

“We are excited about the prospects of both Jahlil and Nik, as well as adding another future asset which will aid us in our continued roster development. This trade provides us with a good opportunity to bring in two young players who were high picks in recent drafts and give them a chance to succeed in our system,” pahayag ng Sixers management.

“We would also like to thank Trevor, Sean and their families for all of their contributions to our team and the Brooklyn community.”

Tangan ni Okafor, top pick ng Sixers may tatlong season na ang nakalilipas, ang career averages 14.6 puntos, 5.9 rebounds at 1.1 blocks sa 26.2 minutong paglalaro kada laro.