Ni Reggee Bonoan

NAKAKATUWA ang loyal Kimerald supporters nina Gerald Anderson at Kim Chiu dahil kahit alam nilang hindi na magkakabalikan ang ex-lovers ay suportado pa rin nila at masaya na silang napapanood uli ang dalawa sa Ikaw Lang Ang Iibigin.

XIAN AT KIM copy copy

Alam din ng lahat na si Bea Alonzo ang girlfriend ni Gerald at si Xian Lim naman ang karelasyon ni Kimmy.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tulad ng KimXi na tahimik lang ang relasyon at walang anumang pinagdadaanang isyu, ganito rin sina Gerald at Bea na laging may oras para sa isa’t isa kahit parehong abala sa trabaho.

Namataan ang sina Gerald at Bea na nanood ng show ng kilalang Fil-Am stand-up comedian na si Jokoy sa Solaire Hotel nitong nakaraang Linggo, at nalaman ito ng fans dahil nag-post ang aktres ng picture ng selfie nila ng performer.

“Love you jokoy!!! OMG! I am such a fan joseph! Thank you for making me laugh so hard tonight! Great show! @jokoy,” caption sa post ng dalaga.

Walang picture na magkasama sina Gerald at Bea pero pareho silang nag-post sa IG nang manood ng naturang show.

Nagpa-picture pa si Gerald sa entablado na may nakalagay na malaking pangalan ni Jokoy, “What a show @jokoy ?? amazing!!. jokoy’s crew saw my fresh Jordan 11’s from @titan_22 .. told them to check out @titan_22 for the best basketball shoes.. #jokoy #funny #hilarious #titan.”

Samantala, nagtanong kami sa kakilala namin sa production ng Ikaw Lang Ang Iibigin tungkol sa working relationship ng Kimerald. Kuwento sa amin, maganda ng samahan nina Kim at Gerald dahil wala silang nakikitang anumang tensiyon. So, kaya pala maganda rin ang kinalalabasan ng show.

Bentang-benta rin sa viewers ang tambalang Via Antonio (Marilyn) at Nico Manalo (Olsen/Bra) na parehong sidekick nina Bianca (Kim) at Gabriel (Gerald).

Ang dalawa ang comic relief nina Gerald at Kim kapag seryoso o intense na ang mga eksena lalo’t si Jake Cuenca (Carlos) ang kaeksena na walang ginawa sa show kundi magalit, kaya kinaiiritahan na ng mga manonood na ang ibig sabihin din ay effective siya.

At in fairness, Bossing DMB, masipag mag-post sa social media si Jake tungkol sa mga nangyari at mangyayari pa sa Ikaw Lang Ang Iibigin.