Ni: RIZALDY COMANDA

SA ikapitong taon, muling napatunayan ang pagiging crowd drawer at pagiging sentro ng turismo tuwing panahon ng Pasko ng Christmas Village ng Baguio Country Club (BCC) sa siyudad ng Baguio.

16

May temang Christmas Galaxy para sa taong 2017, kinaaaliwan ngayon ang makukulay at matitingkad na mamahaling ilaw na sadyang ginastusan para maging sulit sa mga bisita.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Bukod sa lights show gamit ang libu-libong illuminated lights na sumasabay habang tinutugtog ang iba’t ibang Christmas songs ay sumasabay din ang paghulog ng artificial snow na lalong nagpapalamig sa gabi.

Taong 2011 nang unang gawin ng mga empleyado ng BCC ang Christmas Village sa layuning makadagdag ng atraksiyon at destinasyon ng mga turista tuwing Kapaskuhan sa lungsod.

Pumatok ito, lalung-lalo na sa mga residente at nasundan noong 2012, na bagamat wala pang theme ay ginawa nilang recycled-environment friendly material ang mga display sa Christmas Village.

Noong 2013 ay nagkaroon na ng theme, ang “Winter Wonderland”; “Frozen” noong 2014; “How To Train Tour Dragon” noong 2015 at “Pokemon” noong 2016.

Ang Christmas Village, na magtatapos sa Enero 7, 2018 ay bukas sa publiko mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi, samantalang ang entrance fee ay P120 adults, P50 children, P80 senior citizen, samantlang libre naman sa persons with disabilities (PWD) at batang tatlong taong gulang pababa.

[gallery ids="276790,276789,276787,276786,276781,276782,276783,276784,276785,276780,276779,276778,276777,276776,276774,276775"]