BOSTON (AP) – Pinangunahan ni Kyrie Irving ang matikas na ratsada sa fourth period ng Boston Celtics tungo sa 108-97 panalo kontra Philadelphia 76ers nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa TD Garden.

Nakadikit ang Sixers, naglaro na wala si star player Joel Embiid, sa tatlong puntos sa fourth, bago umarya ang Celtics sa pamamagitan ng 22-12 blitz na tinampukan ni Irving para sa 103-90 may 1:25 sa laro.

Kyrie Irving  (Maddie Meyer / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / AFP)
Kyrie Irving (Maddie Meyer / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / AFP)
Bunsod nang panalo, umarya ang marka ng Celtics sa 19-4.

Kumubra si Irving ng 36 puntos, tampok ang limang triples, habang kumana si Al Horford ng 18 puntos, walong rebounds at limang assists. Nag-ambag si Marcus Morris ng 17 puntos at tumipa si rookie Jason Tatum ng 15 puntos.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nanguna si Dario Saric sa Sixers (12-9) sa naiskor na 18 puntos at 10 rebounds, habang kumana si JJ Redick ng 17 puntos. Tumapos si Simmons na may 15 puntos, pitong assists, anim na rebounds at limang steals.

BUCKS 103, BLAZERS 91

Sa Portland, Ore., ginapi ng Milwaukee Bucks, sa pangunguna nina Khris Middleton at Eric Bledsoe na may 26 at 25 puntos, ang Trail Blazers.

Nag-ambag si Giannis Antetokounmpo ng 20 puntos, siyam na rebounds, at tatlong blocked shots sa Bucks, nahila ang dominasyon sa Blazers (4-0).

Umabot sa 24 puntos ang bentahe ng Bucks matapos mabigong makasabay ang Blazers na nagtamo ng 19 turnovers.

Hataw si Jusuf Nurkic sa Portland sa naiskor na 25 puntos at 11 rebounds, habang humugot si Damian Lillard ng 18 puntos.

CAVS 121, HAWKS 114

Sa Atlanta, nahila ng Cleveland Cavaliers ang dominasyon sa Hawks sa 10 sunod na panalo nang maitarak ang dominanteng desisyon.

Hataw si LeBron James sa naiskor na 24 puntos at 12 assists, at nagsalansan si Kevin Love ng 25 puntos at 16 rebounds para maitala ang longest active winning streak sa NBA.

Nanguna si Dennis Schroder sa Atlanta na may 27 puntos.

“He was kicking our butts in the first half,” sambit ni James, patungkol sa impresibong laro ni Schroder sa first half.

NUGGETS 111, BULLS 110

Sa Denver, kumubra si Will Barton ng career-high 37 puntos, tampok ang lay-up may 3.2 segundo sa laro para sandigan ang Nuggets kontra Chicago Bulls.

Nag-ambag sina Gary Harris at Kenneth Faried ng 21 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod.

“We were already without Paul and Wilson, Joke goes down, it was like, ‘Man, we just can’t lose this game,’” sambit ni Barton.

Nanguna sa Bulls sina Lauri Markanen at Robin Lopez na may 20 at 19 puntos, ayon sa pagkakasunod.