Ni: Gilbert Espeña

NAGTALA ng magkakahiwalay na panalo sina Samantha Babol Umayan ng Davao City, Jayson Jacobo Tiburcio ng Marikina City at Edmundo Gatus ng Maynila para manguna sa kani-kanilang dibisyon sa pagpapatuloy ng 18th ASEAN Age Group Chess Championship na ginaganap sa Grand Darul Makmur Hotel sa Kuantan, Pahang, Malaysia.

Tinalo ni Umayan sina Vidhya Mahindran sa Round 1 at Sanjaanah Arumugam ng Malaysia sa Round 2 tungo sa pagrehistro ng magkasunod na panalo at para manatili sa ituktok ng liderato kasama sina Jerlyn Mae San Diego ng Dasmrinas, Cavite, Krisen Yochabel Marie Sanchez ng Cebu, Latifah Laysa ng Indonesia, Teh Yi-Lynn, Sebastian Mhage Gerriahlou, at Salihin Hannah Farisah ng Malaysia sa Girls 12 and under.

Ang kapatid naman na si Gabriel John Umayan ay nakalikom ng 1.5 puntos matapos ang dalawang laro. Nanaig siya kay Azmi Muhammad Alif Irfan ng Malaysia sa Round 1 at napuwersa sa tabla kay Auyeung Chi Hang Lucas ng Malaysia sa Round 2. Tangan nina Mark Jay Bacojo ng Pasig City at Michael Concio Jr. ang liderato sa Boys 12 and under matapos maitarak ang magkasunod na panalo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hindi naman nagpahuli si Jayson Jacobo Tiburcio ng Marikina matapos nanguna naman sa Boys 10 and under na may perfect 2.0 puntos kasama sa unahang puwesto sina Karlycris Clarito Jr. ng Pasig City, Cedric Kahliel Abris ng Mandaluyong City, Zhang Keyu at ng Tong Zhiyao China, Miithran Guna Balan at Masli Muhd Nur Daie ng Malaysia.

Matapos gapiin si Megat Mohd Khushairi Megat Za sa Round 1, ipinamalas ni Tiburcio ang husay sa itim na piyesa nang padapain si Chua Siang-Zhe ng Malaysia sa Round 2 matapos ang 35 moves ng Benoni defense.

Sa panig ng 50-years-old and above Senior division, pinayuko ni National Master Edmundo Gatus si Philip Chan Boon Siang ng Singapore para samahan sa liderato si Eddy Kwan Nam Seng ng Malaysia na nagposte din ng unang panalo sa unang laro kontra kay International Master Giam Choo Kwee ng Singapore.

Ang laban sa pagitan nina National Master Alexander Milagrosa ng Bohol at National Master Wilfredo Neri ng Aklan ay nauwi sa tabla, gayundin ang naganap kina Fide Master Ignatius Leong ng Singapore at Abdul Rahman Hamzahng Malaysia na naghati ng puntos sa eight players field single round robin format.