Ni: Fer Taboy

Tatlong miyembro ng El Patron drug syndicate ang nadakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 12, na kumikilos sa South Cotabato.

Naaresto ang tatlong suspek sa tatlong search operation sa Maasim, Sarangani Province nitong Linggo.

Kinilala ang mga nadakip sa sina Arman Bada, 47; at Lovely Bada, 37, negosyante, kapwa high-value target, at sinasabing miyembro ng El Patron drug group.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Narekober umano ng PDEA sa dalawa ang 30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P150,000 at tatlong bank passbooks.

Kasunod na inaresto si Zaldy Ong, 58, makaraang salakayin ang bahay nito at nakumpiskahan ng 11 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P55,000.