Ni: Bert de Guzman

WALA pang administrasyon sa bansa ang parang nakagawa ng kasaysayan upang maging MAMERA na lang o kaya’y maging MAMISO ngayon ang paghahain ng impeachment complaint laban sa mga pinuno o hepe ng constitutional bodies, tulad ng Supreme Court, Office of the Ombudsman, at Commission on Elections.

Tanging ang kasalukuyang administrasyon yata ang may pinakamaraming hinahinan ng reklamong impeachment. Unang naranasan ng Pilipinas ang impeachment complaint noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada dahil sa bintang na plunder o pandarambong ng salapi ng bayan. Natanggal siya sa puwesto.

Naulit ito noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino nang sampahan ng reklamo si dating Siupreme Court Chief Justice Renato Corona. Natanggal si Corona matapos siyang ma-impeach at mahatulan ng Senado dahil sa isyu ng SALN.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Gayunman, may alingasngas na ginamit ng PNoy administration ang kapangyarihan ng DAP upang suhulan ang mga mambabatas. Kung may duda kayo tungkol sa bagsik ng DAP, magtanong kayo kay dating Sen. Jinggoy Estrada na binigyan daw sila ng tig-P50 milyon para ma-convict si Corona.

Ganito rin ang nararanasan ngayon ni SC Chief Justice Ma. Lourdes Sereno. Ganito rin ang kinakaharap ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales. Si dating Comelec chairman Andres Bautista ay naimpeach na ng Kamara pero hindi na nilitis ng Senado dahil siya ay nagresign na tinangggap naman ni President Rodrigo Roa Duterte.

Batid ng taumbayan na may kimkim na galit si PRRD kina Sereno at Morales kung kaya laging nakaamba ang “Tabak ni Damocles” sa kanilang mga ulo sa pamamagitan ng impeachment complaint. Alam ng lahat na sa isang kumpas lang ni Mano Digong kay Speaker Pantaleon Alvarez, tuloy ang impeachment, at malamang kesa hindi, mai-impeach sina Sereno at Morales dahil hawak at kontrolado ng Malacañang ang Kamara.

Itinatanggi ng Palasyo na may “basbas” nila ang mga reklamong impeachment laban kina Sereno at Morales. Ang Kongreso raw ay isang independent branch ng pamahalaan, at hindi nila ito pakikialaman. Tama rito si PDU30, hiwalay na sangay ang Lehislatura sa Ehekutibo, pero puwede namang impluwensiyahan ito. ... Pormal nang kinansela ng Duterte gov’t ang peace talks sa CPP-NPA-NDF. Sa utos ni Pres. Rody, inihayag ni presidential adviser on the peace process Jesus Dureza ang kanselasyon ng usapan sa komunistang grupo. “We are hereby announcing today the cancellation of all planned meetings with the CPP-NPA-NDF in line with Pres. Duterte’s directive that there will be no more peace talks with them,” saad ni Dureza.

Sabi nga ng mga kaibigan kong journalist, dapat tandaan at pakaisipin ng ating Pangulo na ang tunay na adhikain ng mga komunista, sa pamumuno ni Joma Sison, at ito ay ang maagaw ang poder ng gobyerno, walang hatian, tanging sila lang ang puno ng bansa sa ilalim ng ideolohiyang komunismo. Kung inaakala ni Mano Digong na sikat siya at gusto ng mga Pinoy na siya ay proLeft at proKadamay o makamahirap, nagkakamali siya. Galit ang mga tao sa NPA at nagkukunwaring makamahirap na maka-komunista naman!