Ni: Beth Camia

Muling napabilang ang El Nido sa Palawan sa World's 50 Best Beaches ng isang dayuhang travel website.

Sa talaan ng Flight Network, na nakabase sa Canada, pumuwesto sa ika-14 ang El Nido sa nasabing listahan.

Nanguna sa listahan ang Grace Bay sa Turks and Caicos, kasunod ang Whitehaven Beach ng Australia; Anse Lazio sa Seychelles; Pink Sands Beach ng Bahamas; Navagio Beach ng Greece; Baia Dos Porcos ng Brazil; Playa Paraiso ng Mexico; Hyams Beach ng Australia; Hidden Beach ng Mexico; at Trunk Bay ng US Virgin Islands.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Kahilera ng Pilipinas sa listahan ang Maya Bay ng Thailand, Pig Beach ng Bahamas, at Blue Lagoon ng Fiji.

Umaabot sa 600 pinakamahuhusay na travel journalists, editors, bloggers at agencies sa mundo ang nakibahagi sa survey ng Flight Network upang tukuyin ang 50 pinakamagagandang beach sa mundo.