Napatunayan ng Sandiganbayan Seventh Division na guilty si dating Garchiterona, Camarines Sur Mayor Jesus Rico Cruel Sarmiento sa kasong breach of conduct kaugnay ng maanomalyang paggamit ng mga sasakyan ng contractor ng munisipyo.
Pinagmumulta si Sarmiento ng P2,000 at maaari ring madiskuwalipika sa serbisyo publiko.
Una na siyang kinasuhan ng paglabag sa Section 7(d) ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA 6713).
Simula Enero hanggang Oktubre 2014, inakusahan si Sarmiento ng pagtanggap ng “favor or benefit” mula kay Maria Carmelo Condecion Fernando, isa sa mga contractor ng Garchitorena, sa pamamagitan ng paulit-ulit na paggamit sa dalawang sasakyan ng huli.- Czarina Nicole O. Ong