Sinabi kahapon ni Senate President Aquilino Pimentel III na ang irrevocable resignation ni Department of Transportation (DoTr) Undersecretary Cesar Chavez ay maaaring tanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

At ang nasabing irrevocable resignation ay magiging pinal lamang kapag tinanggap ng may kapangyarihan at ito ay ang Pangulo, sabi pa ni Pimentel.

Naglikha ng gulo si Chavez sa DoTr nang isumite niya ang kanyang irrevocable resignation kasunod ng sunud-sunod na aberya ng Metro Rail Transit (MRT-3) sa EDSA.

Sinabi niyang “deiicadeza” ang kanyang dahilan sa pagbibitiw niya sa puwesto.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kahit nirerespeto niya ang desisyon ni Chavez, sinabi ni Pimentel na sa pagiging presidential appointee, “you have the obligation to serve.”

“But I respect him. He is passionate in his work. He was disappointed, dismayed that forced him to tender his irrevocable resignation,” dagdag niya.

Tinulungan ni Pimentel si Chavez na makakuha ng presidential appointment.

Nakuhanan ng pahayag kahapon ni DoTr Secretary Arthur Tugade na hiniling niya sa punong Ehekutibo na huwag tanggapin ang resignation letter ni Chavez.

Sa ulat na nagreklamo si Chavez na walang pagtutulungan sa DoTr, sinabi ni Pimentel na na kay Tugade na ang responsibilidad na pagandahin ang sistema sa kanyang departamento. - Mario B. Casayuran