ERICH copy copy

Ni NITZ MIRALLES

NAKA-POST sa Instagram account ni Erich Gonzales ang isa sa pictures niya as Tanduay Girl 2018.

Puro positive ang nababasa naming comments na umabot na sa 2,779 at tiyak na madadagdagan pa. Walang sinabi sa caption si Erich kundi “TANDUAY 2018” pero bumaha pa rin ang comments.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kabilang sa mga nag-comment sina Enchong Dee, Rayver Cruz, Diana Zubiri, Cacai Bautista, at Lovi Poe. Pinakakuwela ang comment ni Enchong na, “Di mo ‘to pinaalam sa ‘kin... mag-uusap tayo mamaya sa bahay!”

May mga kinilig sa comment ni Enchong at wish nilang maging magkarelasyon sina Erich at Enchong. Kaya may nagpayo kay Enchong na ligawan na niya si Erich.