Nina Beth Camia at Fer Taboy

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alyado ng New People’s Army (NPA), na kinabibilangan ng mga militanteng grupo, mga kasapi ng Communist Party of the Philippines (CPP) at National Democratic Front (NDF), na sila ay aarestuhin dahil sa pagsasabwatan sa paghahasik ng karahasan.

231117_PRRD_NUEVA_ECIJA_00 copy

Sa pahayag ni Pangulo sa harap ng Light Reaction Regiment sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija kamakalawa, sinabi niyang alam niyang nagsasabwatan ang NPA at legal fronts nito para pabagsakin ang gobyerno o maghasik ng gulo.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ayon kay Duterte, wala siyang pakialam kung magsagawa ng demonstrasyon o magrebolusyon ang mga kaalyado ng NPA basta lahat ng konektado sa mga rebelde ay aarestuhin.

Muli rin niyang iginiit na idedeklara niya ang NPA na isang teroristang grupo at tatratuhin bilang mga kriminal.

“Huwag na lang tayo magbolahan, galing ako diyan eh. You are helping each other to topple or whatever to sow terro.

We will treat you as a criminal, period. And we will arrest everybody connected, and ‘yung mga legal fronts nila.

Mag-demand na kayo, magrebolusyon kayo, o anong gawin niyo wala akong pakialam basta ibalik ko kayo as a terrorist group,” ani Duterte.

Kahapon, inihayag ng NDF na umaasa ito na magbabago pa ang desisyon ng Pangulo matapos nitong itigil ang peace talks.

Sinabi ni NDF chief peace negotiator Fidel Agcaoili na sana’y galit lang ang nagbuyo kay Duterte na tapusan na ang usapang pangkapayapaan.

Iginiit ni Agcaoili na sa pamamagitan ng usapan ay makakamit ang basic social at economic reforms sa bansa.

Hindi rin, aniya, dapat umurong ang gobyerno sa mga pangako at kasunduang pinasok nito, kabilang na ang pagpapalaya sa lahat ng political prisoners.