Ipinapaubaya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko sakaling tumabko sina Communications assistant secretary Margaux "Mocha" Uson at Presidential Spokesperson secretary Harry Roque sa Senado sa 2019.
Ito ay matapos ipahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez nitong Biyernes na sina Uson at Roque ay tatakbong senador sa ilalim ng Partido-Demokratiko Pilipino-Laban (PDP-Laban) sa midterm elections na magaganap halos dalawang taon simula ngayon.
Sinabi ni Duterte sa mga mamamahayag sa Davao City nitong Sabado na hindi siya lamang ang magdedesisyon sa isang bagay na makakaapekto sa publiko.
“It’s not a one-man story or critique. Let the people decide. Kung ginusto nila ‘yan, then that’s it. It will be honored by all, including the military and the police,” aniya
“’Pag ‘yan ang pinili ng Pilipino, you might not like her; her ways might not suit your values. But if that guy or woman is elected by the people, then you have to honor that choice,” dugtong niya.
Ayon kay Duterte, nais niya na ang mga taong may malasakit sa bayan ang tatakbo sa Senado.
“Sino ‘yung Pilipino makakatulong sa kapwa niya tao and who has the best of the ideas, baka ‘yun ang mga tao na kukunin ko or I might also nominate them,” aniya.
“It’s a party decision so maybe just a give and take there,” dagdag niya, isinuhestiyon sina Agriculture Secretary Manny Piñol at Agriculture Undersecretary Berna Romulo-Puyat.- Argyll Cyrus B. Geducos