Ni LITO T. MAÑAGO
WALANG katotohanan ang nai-post ng isang nagngangalang Vic Somintac sa Facebook noong November 16, Thursday, 6:35 ng gabi na sinasabi nitong magkakaroon daw ng telethon ang GMA Network para sa mga biktima ng Marawi siege.
Ayon sa naturang post, unedited, “GMA Kapuso Foundation rebuild marawi the GMA Network telethon special live for the marawi siege on November 26 Sunday 12 noon after kapuso movie festival with our favorite kapuso stars and GMA News and GMA Public Affairs personalities pre-empted Sunday Pinasaya.”
Naka-tag pa sa post ang ilang executives ng network tulad ninaLilybeth Rasonable (SVP for Entertainment TV) at Redgie Acuña-Magno (VP for Entertainement TV). Maging si DirekLouie Ignacio, direktor ng Sunday Pinasaya at iba pang programa ng network, naka-tag din sa fake news.
Naka-tag din ang ilang Kapuso stars tulad nina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Ai Ai de las Alas, Barbie Forteza, Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Andrea Torres, Lovi Poe, Heart Evangelista, Solenn Heussaff, Mikael Daez, Alden Richards, Maine Mendoza, Julie Ann San Jose, Jennylyn Mercado, Sanya Lopez, Mikee Quintos, Kate Valdez, Glaiza de Castro at Regine Velasquez.
Unang nag-react si Direk Louie, sabi niya sa thread, “Totoo ba ‘to?” na tila nagulat din sa post na ito dahil obviously, wala siyang alam na telethon ng GMA Kapuso Foundation sa date na na-ipost sa Facebook.
Na sinundan pa ng post sa thread ng award-winning director ng “fake news!!!!!!!!!!!!! not true!!!!!!!!!!!”
Umaga ng Biyernes, muling nag-post sa thread itong Vic na ayon sa kanyang bio ay isa siyang reporter ng Radyo Agila ng Eagle Broadcasting Corporation at TV5. Aniya sa inulit lang na post, “GMA Kapuso Foundation rebuild marawi the GMA Network telethon special on November 26 Sunday 12 noon live!”
“Vic cno kanino galing ang post mo?” tanong ni Direk Louie sa thread. As of deadline, hindi pa sumasagot itong Vic sa tanong ng GMA director.
Sa Instagram account ni Direk Louie, ipinost niya ang screen grab ng FB post nitong Vic at nilagyan ng caption ng “Tigilan ang Fake News!!!!! Di totoo ito!!!!!”
Nagtanong din si Ai Ai de las Alas sa direktor, aniya, “Ano yan Direk?”
Pagsilip namin sa IG account ni Ai Ai, ini-repost din nito ang post ni Direk Louie tungkol sa fake news ng telethon ng GMA.
“Fake news wag maniwala... @gmasundaypinasaya”
Huling hirit ni Direk Louie sa kanyang FB page, “Hindi po TOTOO ang Post na ito!!!! another FAke News!!!!! Tuloy ang Sunday Pinasaya sa Nov. 26. at walang magaganap na Telethon for Marawi..”
Naghihintay pa kami ng official statement mula sa GMA Network. Ipinadala rin namin ang screen grab ng FB post sa GMA Corp. Comm thru Lendl Fabella at sagot niya sa amin, “Not true!”
May telethon o wala, nauna nang nagpaabot ng tulong sa mga biktima ng Marawi siege ang GMA Kapuso Foundation at patuloy pa ring silang tumutulong hanggang sa ngayon.
Malinaw na ring walang nilulutong telethon for Marawi ang GMA Kapuso Foundation at GMA Network.