Ni: Marivic Awitan

San Beda Red Lions, kampeon sa NCAA Season 93.

IPINAMALAS ng San Beda College ang pusong kampeon sa krusyal na sandali sa naisalpak ng back-to-back three-pointer nina Raffy Verano at Robert Bolick para itarak ang 92-82 panalo kontra Lyceum of the Philippines at maiguhit ang isa pang kasaysayan sa pahina ng NCAA Season 93 men’s basketball championship kahapon sa dinumog na Araneta Coliseum.

San Beda's Arnaud Noah rebounds against the Lyceum defenders during the NCAA Finals Game 2 match at Smart Araneta Coliseum, November 16, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
San Beda's Arnaud Noah rebounds against the Lyceum defenders during the NCAA Finals Game 2 match at Smart Araneta Coliseum, November 16, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Mula sa dikit na 83-82 bentahe, naibuslo ni Verano ang three-pointer sa kaliwang bahagi ng court para sa 86-82 may 1:22 ang nalalabi sa laro. Matapos ang matibay na depensa na nagpuwersa sa Pirates na sumablay, naisalpak ni Bolick, isa sa pangunahing kandidato sa MVP bago nasanctioned bunsod ng flagrant foul sa kaagahan ng elimination, ang three-pointer para tuluyang ibaon ang karibal at maidepensa ang kampeonato – ika-12 sa huling 13 finals ng Mendiola-based cagers..

Liyamado ang Lyceum matapos ang 14-game sweep sa elimination.

Samantala naipuwersa ng defending champion Mapua ang winner-take -all Game 3 ang matapos bawian ang CSB-La Salle Greenhills kahapon sa Game 2 ng kanilang finals series, 91-81.

Buhat sa tablang iskor na 67-all sa pagtatapos ng third quarter, napilay pa ang roster ng Red Robins nang mag graduate si season MVP Will Gozum may 9:30 pang natitira sa laro.

Ngunit sa halip na mawalan ng loob, lalong uminit ang opensa ng Red Robins at iniwan ang Junior Blazers, 78-68, sa pamumuno ni Clint Escamis.

Mula doon, nakuha pang dumikit ng LSGH, 81-86, may 1:23 pang natitira sa oras matapos ang 3-point shot ni Macoy Marcos.

Pero agad ding sumagot ng back-to-back baskets si Escamis upang tiyakin ang tagumpay na nagtabla sa series.

Nagtapos na topscorer si Escamis na may 25 puntos atapat na rebounds, apat na assists at apat na steals kasunod si Warren Bonifacio na may 18 puntos at 14 rebounds.

Nanguna naman sa LSGH si Joel Cagulangan na may 16 puntos at siyam na assists.