Kalunus-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang binata matapos barilin sa ulo ng dalawang lalaki sa Barangay Payatas sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Base sa report ni Supt. Rossel Cejas, hepe ng Quezon City Police District (QCPD)-Batasan Station 6, kinilala ang biktimang si John Kevin Mendez, 19, binata, ng Kamagong Street, Bgy. Commonwealth.

Kaagad na binawian ng buhay si Mendez dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan mula sa hindi pa tukoy na kalibre ng baril.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang dalawang armadong suspek, na inilarawang nasa 40-45 anyos, may taas na 5’4” at 5’2”, at kapwa nakasuot ng black jacket at maong pants.

National

VP Sara Duterte, binisita si Ex-VP Leni Robredo sa Naga

Sa lumilitaw sa imbestigasyon, dakong 12:20 ng umaga nang mangyari ang insidente sa may Rosal Extension sa kanto ng Ilang-Ilang Street sa Bgy. Payatas.

Naglalakad umano si Mendez nang biglang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril siya. - Jun Fabon