Ni Marivic Awitan

Mga laro ngayon

(Araneta Coliseum)

12 n.h. -- UST vs UE

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

4 n.h. -- Ateneo vs La Salle

Ateneo Blue Eagles, dadagit ng kasaysayan vs La SalleArchers.

NAKALUSOT ang Ateneo Blue Eagles sa kanilang unang pagtutuos sa archrival La Salle Green Archers.

Ngayong nakataya ang kapirasong kasaysayan sa pahina ng UAAP men’s basketball, tatangkain ng Katipunan-based cagers na makaulit sa Batang Taft sa kanilang paghaharap ngayon sa pagtatapos ng double-round elimination ng Season 93 sa Araneta Coliseum.

Untitled-1 copy copy

Mas mataas ang nakataya sa laban, higit at magtatangka ang Blue Eagles na makumpleto ang 14-game sweep sa harap ng Archers ngayon ganap na 4:00 ng hapon.

Kung mapagtagumpayan ng Ateneo ang hangarin, awtomatiko silang makakausad sa championship round. Sakaling alatin, tangan pa rin ng Blue Eagles ang twice-to-beat na bentahe sa Final Four series.

Nasa ikalawang puwesto ang La Salle (11-2) kasunod ang Adamson (9-4) at Far Eastern University (8-5).

Nakataya naman ang dangal sa paghaharap ng poareho nang sibak na University of Santo Tomas at University of the East ganap na 12:00 ng tanghali.

Asam ng Tigers na makaiwas sa posibilidad na pagkabokya (13-0) sa unang pagkakataon sa prestihiyosong collegiate league.

Target ng Blue Eagles na maulit kung hindi man mahigitan ang 76-75 na panalo nila kontra Green Archers noong first round para sa target na outright finals berth.

Muling sasandigan ng Blue Eagles para sa hangad na sweep sina Thirdy Ravena, Matt at Mike Nieto, Isaac Go, Aaron Black, Jolo Mendoza, Chibueze Ikeh at Anton Asistio.

Sa kabilang dako, inaasahan namang mamumuno sa pagbawi ng Green Archers sina Ben Mbala, Ricci Rivero, Jolo Go, Kib Montalbo, Aljun Melecio at Andrei Caracut.