Ni Ernest Hernandez

HINDI lamang titulo bagkus ang dangal at karangalan ang nakataya sa pagdepensa ni Team Lakay bet Eduard ‘Landslide’ Folayang sa titulo laban sa kampeon ding si Martin Nguyen sa ONE Championship: Legends of the World bukas sa MOA Arena.

one copy

Ngunit, kung may dapat isakripisyo si Folayang, ito’y ang namuong pagkakaibigan sa Vietnamese star.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Nagsimula ang pagkakaibigan namin last year, nagpunta kami sa L.A.” pahayag ni Folayang.

“Easy to get along si Martin. Maganda naman yung samahan namin sa one week stay namin sa L.A. Nakita ko naman na mabait na tao si Martin at doon nagsimula pagkakaibigan namin.”

Bago naisapubliko ang fight card, inamin ni Nguyen na kaagad niyang sinabihan si Folayang sa kanilang duwelo. Kapwa naman nagpahayag ng kahandaan ang dalawa at kapwa isinantabi ang personal sa kanilang laban.

“Fighting a friend is knowing the journey that they have been through and what they did to get to where they are now.

You experience that journey emotionally,” pahayag ni Folayang.

Sasabak si Nguyen tangan ang five-match winning streak. Isang beses pa lamang siyang natatalo sa 10 laban. Mas matikas naman ang karta ni Folayang na may 18 panalo sa 23 laban. Hindi pa nasisilat si Folayang mula noong Enero 2016.

Inamin naman ni Folayang na alam niya na magaganap ang laban kay Nguyen, higit at matagumpay niyang naidepensa ang flyweight title kontra Ev Ting nitong Mayo.

“Darating talaga ang pagkakataon na makakaharap mo ang hindi mo ine-expect. Ako nga noong binigyan ng title fight, hindi ko na-expect. As a martial artist, it is a journey na kung saan iba-iba ang opponent ang makakaharap mo,” sambit ni Folayang.

At tulad nang dapat asahan, tiyak ang umaapoy na tunggalian sa dalawang pinakamatikas na fighter sa kanilang henerasyon.

“He is just another opponent in my eyes. He is here to hurt me and I am there to hurt him. God-willing, we both come out alright,” pahayag ni Nguyen.

“Yung pagkakaibigan, nandyan lang naman iyan,” sambit ni Folayang. “At the end of the day, you do your part as a martial artist and pagkatapos nandun pa rin naman ang respect.”